Ngayong araw po ay nagtungo tayo sa Poctoy Elementary School kasama ang ating mga kapwa lingkod bayan at mga kawani ng Department of Education (DepEd) upang saksihan ng pagpapalit ng pangalan ng Poctoy Elementary School upang kilalanin ito bilang Celso M. Mataac Sr. Elementary School.
Ang pagbabagong ito ay isang pagkilala sa hindi matatawarang ambag at dedikasyon ni Ginoong Celso M. Mataac Sr. sa ating bayan, lalo na sa sektor ng edukasyon ng kanyang sinilangang Barangay Poctoy.
Buong puso pong inialay ng pamilya Mataac na kinatawan ng kanyang anak, si G. Celso Mataac Jr. ang kanilang lupa na kinatatayuan ng paaralang ito. Siya ay naging inspirasyon hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa mga mag-aaral, guro, at mamamayan ng Poctoy at ng buong bayan ng Boac.
Ang kanyang halimbawa ay nag-iwan ng tatak ng pagmamahal sa serbisyo at walang sawang pagtulong sa kapwa. Kaya't nararapat lamang na ang paaralan, na tahanan ng paghubog sa kinabukasan ng ating kabataan, ay magdala ng kanyang pangalan bilang pagkilala sa kanyang di matatawarang kontribusyon.
Sa ngalan po ng pamilyang Boakenyo, marami pong salamat sa ating G. Celso M. Mataac Jr. kasama ang angkan ng Mataac at sa Barangay Poctoy sa pangunguna ng ating pinagpipitaganang Punong Barangay Kgg. Ruben o. Morong.
Hindi rin po matatawaran ang ating Sangguniang Bayan ng Boac, sa pangunguna ng ating Vice-Mayor Mark Anthony E. Seño kasama ang 11th Sangguniang Bayan upang maisakatuparan ang hakbang na ito.
Tayo po ay nagkakaisa sa layuning ito bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga bagong bayani ng ating bayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang paaralan na ito sa mga susunod na henerasyon upang ipagpatuloy ang adhikain ni Ginoong Mataac Sr. na magbigay ng dekalidad na edukasyon para sa lahat.
Sulong Boac, Carry On!
Tuesday, January 28, 2025
Mensahe ni Mayor Armi Carrion sa pormal na pagpapalit ng pangalan ng Poctoy Elementary School
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment