Taos-pusong pasasalamat sa matagumpay na inagurasyon ng bagong pangalan sa Poctoy Elementary School bilang Celso M. Mataac Sr. Elementary School sa pamamagitan ng Municipal Ordinance No. 2024-377, na nagbigay ng karangalan sa ating bayan.
Lubos ang aming pasasalamat sa walang sawang suporta ng ating butihing ina, Mayor Armi DC Carrion, sa buong ika-11 Sangguniang Bayan ng Boac, sa ating OIC Division Superintendent Dr. Lynn G. Mendoza, Assistant School Division Superintendent Mary Anne L. Honorica, PTA President Nelsie M. Mampusti - Head Teacher III, Punong Barangay ng Brgy. Poctoy Ruben O. Morong, at higit sa lahat kay Celso T. Mataac Jr., CPA, na naging inspirasyon ng hakbang na ito.
Ang pagbabago ng pangalan ng isang eskwelahan ay sumasalamin sa patuloy na pag-unlad at pagkakaisa. Magbago man ang pangalan ng ating paaralan ngunit nababatid ko na ang misyon at halagang pang edukasyon ay mananatiling pareho, at higit pang magiging simbolo ito ng pagtanggap ng mga bagong hamon at pagkakataon sa edukasyon.
Sa bawat pangalan ay may kuwento, at sa bawat kuwento ay may inspirasyon. Mabuhay ang Brgy. Poctoy at ang bayan ng Boac!


No comments:
Post a Comment